manonton dalan
aking natatanaw ikay kumakawaykaway
habang akoy papalapit sa iyo naghihintay
dinig ko ang tibok ng puso kong taglay
pagmamahal na sa iyo lang aking iya-alay
mata moy sinusundan ako sa bawat galaw
nangangambang baka sa init akoy magugunaw
ako mandin halos lahat aking babanggain
dika lang mawawala sa maamo kong tingin
nang mapang-abot mga kamay natin, gloria
pakiramdam koy tayo lang dalawa, sa lupa
napipi ang paligid, naglaho ang mga salita
nabingi ang aking mundo sa abang nadarama
luha moy napatak sa pisngi ko naipinta
alinsabay ng mga bulong na “mahal kita”
sagot di natuloy sa labi nating magkadampi
buntong hininga na laang ang namumutawi
sa gitna ng awiting “ikaw ang panalangin”
nasa gitna pala tayo at lahat ay nakatingin
Friday, March 13, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment