manonton dalan
nangingislap na mga mata
labing marahang bumubuka
kalakip ng dibdib na payapa
guhit ng kasayahang nadarama
palakpak ng pakpak na malaya
pita ng mga matang minumutya
mga init ng yakap nakakahalina
nagbabakas sa dahong alaala
salitang nasasambit yaring awit
humihili sa paglalakbay sa idlip
mararahang haplos; mahiwaga
mga tibok ng puso; naniniwala
katahimikan angkin ng panaginip
namumusilak; natatanim sa isip
mga sandaling alay ng pag-iisa
namumukadkad at laging umaasa
Wednesday, March 4, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment