Wednesday, March 4, 2009

dahong nakalukip

manonton dalan

pinapanood ko pagtikom ng labing dilim
ako’y napabuntong hininga ng malalim
pangambang sumagi nagbunga panalangin
mapayapang landas na aking tatahakin
winalis na ng hangin ang himpapawid
nagbibigay andap-andap sa paligidligid

di pa sapat ang tanglaw sa aking paglalakbay
hanggang namusilak mga talang kumakaway
salamat bulong ko at nagsimulang humakbang
nadama ng mga paa ko malambot na parang
na kamailan lang ay nagniningning na luntian
liwanag nga naman naghahandog ng kagandahan

sadyang isip ay kandugan ng mga alapaap
mistulang alon sa napakalawak na dagat
tulad ng sadaling itong akoy naglalakad
ano kaya matisod akot biglang bumaliktad
sumigaw man ako, magpapalag, mag-iiyak
sa layo ko sa kabihasnan, kabingian laganap

bahagyang kaluskos nakakatindig balahibo
naibulaslas “dahong palay layuan mo ako”
patagong ngiti sibol sa nakaraang alaala
nagpapalakas loob, nagsisilbing katiwala
diko namalayang malayo na palang nabagtas
nandirito na pala ako pinaglalaruan ang hiyas

kay sarap umuwi pag mayroong naghihintay
lalo nat may mainit na pagkaing naka-alay
dalasdalasang magbigay puri, yakap at halik
nagbibigay kasayahan ningas ng pananabik
kinabukasan aalis akong may taglay na ngiti
sa muling pagbabalik isang kahong tsokolati


... akoy nagpapaumanhin kung kakaiba ang himig
ng aking nakatha kasi ang tagalog koy himig ng
pinagtalik na pangasinan at ilokano at hango sa
librong bararilla. dahong palay ay ahas. ami ayam
kompa, it ayam u te pecadon md (thank you, my love for
you people of the plainsmd- kasinibe)

No comments:

Post a Comment