Wednesday, March 4, 2009

dinuduyan ng tamis ng alaala

manonton dalan

gumuguhit sa bibig dilang nauhaw
mga daliring sa isip nakikiulayaw
pinipitik kuerdas masayang sayaw
lihim naglalakbay sa layong parang
sa himig ikinukumpas mga hakbang
kalakip ng mga gunitang nagsilisan

sumisilip dahong puti, batang binhi
saklot pangambang usbong sa mali
nag-iisa nga naman sa dilim na tabi
mga mumunting mata nasisilayan
mutyang nakahiga akap-akap unan
kahit di naiintindihan nagbulungan

dinamalayang uma-agos sa pisngi
luha at nunuyong matamis na ngiti
alinsabay ng mga nasambit papuri
na nasa dibdib lang niya nananatili
hanggang hilain siya ng halik idlip
nag-aasam-asam kapitan panaginip

No comments:

Post a Comment