manonton dalan
aking natatanaw ikay kumakawaykaway
habang akoy papalapit sa iyo naghihintay
dinig ko ang tibok ng puso kong taglay
pagmamahal na sa iyo lang aking iya-alay
mata moy sinusundan ako sa bawat galaw
nangangambang baka sa init akoy magugunaw
ako mandin halos lahat aking babanggain
dika lang mawawala sa maamo kong tingin
nang mapang-abot mga kamay natin, gloria
pakiramdam koy tayo lang dalawa, sa lupa
napipi ang paligid, naglaho ang mga salita
nabingi ang aking mundo sa abang nadarama
luha moy napatak sa pisngi ko naipinta
alinsabay ng mga bulong na “mahal kita”
sagot di natuloy sa labi nating magkadampi
buntong hininga na laang ang namumutawi
sa gitna ng awiting “ikaw ang panalangin”
nasa gitna pala tayo at lahat ay nakatingin
Friday, March 13, 2009
Wednesday, March 4, 2009
dinuduyan ng tamis ng alaala
manonton dalan
gumuguhit sa bibig dilang nauhaw
mga daliring sa isip nakikiulayaw
pinipitik kuerdas masayang sayaw
lihim naglalakbay sa layong parang
sa himig ikinukumpas mga hakbang
kalakip ng mga gunitang nagsilisan
sumisilip dahong puti, batang binhi
saklot pangambang usbong sa mali
nag-iisa nga naman sa dilim na tabi
mga mumunting mata nasisilayan
mutyang nakahiga akap-akap unan
kahit di naiintindihan nagbulungan
dinamalayang uma-agos sa pisngi
luha at nunuyong matamis na ngiti
alinsabay ng mga nasambit papuri
na nasa dibdib lang niya nananatili
hanggang hilain siya ng halik idlip
nag-aasam-asam kapitan panaginip
gumuguhit sa bibig dilang nauhaw
mga daliring sa isip nakikiulayaw
pinipitik kuerdas masayang sayaw
lihim naglalakbay sa layong parang
sa himig ikinukumpas mga hakbang
kalakip ng mga gunitang nagsilisan
sumisilip dahong puti, batang binhi
saklot pangambang usbong sa mali
nag-iisa nga naman sa dilim na tabi
mga mumunting mata nasisilayan
mutyang nakahiga akap-akap unan
kahit di naiintindihan nagbulungan
dinamalayang uma-agos sa pisngi
luha at nunuyong matamis na ngiti
alinsabay ng mga nasambit papuri
na nasa dibdib lang niya nananatili
hanggang hilain siya ng halik idlip
nag-aasam-asam kapitan panaginip
gapatak na sandaling nagbalik
manonton dalan
nakikipagpulot pawis mga daliri sa kahaw
at umaasang maibsan ang pusong ligaw
bagamat sapat na ang mga pitik na ulat
mapusyaw nga laang ang dating ng sukat
damping labi sa pisnging makulay
nakakalunas sa mukhang may lumbay
masuyong halik sa labing namumukadkad
marahang yakapyakap ramdam abot palad
sadyang tinatagalan at tinatamasang madla
balatkayong agam-agam nabigyan ginhawa
mga tibok ng dibdib kumukumpas ng himig
nagdiriwang, nakisasalamuha sa lambing tinig
kaliyagahang nakamit hanggang kaya magtatagal
pagkahiwalay ng kamay o mga salitang utal-utal
malagkit na tinginan mga hiyas ng takipsilim
damdaming nabuo pumailanlang sa kadiliman
magbabalik na muli kalakip mga matang luhaan
sa buhay na mahiwaga, ala pa sa kalingkingan
... ang salitang kahaw ay bunga ng pinagdugtong
na kataga at hawla(katagahawla) sa kadahilanang
malimit niyong napupungayan mga kagandahang
tagala kaya sinadya kong itago ho sa inyo. kung
iyayakap naman natin sa maunlad na kabuhayang
ating tinatahak ay computer.
ang ulat naman sa tulang ito ay text. ayan mga
pinakamamahal kong mga kababayan puwede nating
isalin sa ating wika kahit anong salitang banyaga, ayan
laang tiyaga ang kailangan. it ayam ute, ami ayam kompa
(my love for you, thank you--kasinibe)

anino ng tingin
manonton dalan
nangingislap na mga mata
labing marahang bumubuka
kalakip ng dibdib na payapa
guhit ng kasayahang nadarama
palakpak ng pakpak na malaya
pita ng mga matang minumutya
mga init ng yakap nakakahalina
nagbabakas sa dahong alaala
salitang nasasambit yaring awit
humihili sa paglalakbay sa idlip
mararahang haplos; mahiwaga
mga tibok ng puso; naniniwala
katahimikan angkin ng panaginip
namumusilak; natatanim sa isip
mga sandaling alay ng pag-iisa
namumukadkad at laging umaasa
nangingislap na mga mata
labing marahang bumubuka
kalakip ng dibdib na payapa
guhit ng kasayahang nadarama
palakpak ng pakpak na malaya
pita ng mga matang minumutya
mga init ng yakap nakakahalina
nagbabakas sa dahong alaala
salitang nasasambit yaring awit
humihili sa paglalakbay sa idlip
mararahang haplos; mahiwaga
mga tibok ng puso; naniniwala
katahimikan angkin ng panaginip
namumusilak; natatanim sa isip
mga sandaling alay ng pag-iisa
namumukadkad at laging umaasa
dahong nakalukip
manonton dalan
pinapanood ko pagtikom ng labing dilim
ako’y napabuntong hininga ng malalim
pangambang sumagi nagbunga panalangin
mapayapang landas na aking tatahakin
winalis na ng hangin ang himpapawid
nagbibigay andap-andap sa paligidligid
di pa sapat ang tanglaw sa aking paglalakbay
hanggang namusilak mga talang kumakaway
salamat bulong ko at nagsimulang humakbang
nadama ng mga paa ko malambot na parang
na kamailan lang ay nagniningning na luntian
liwanag nga naman naghahandog ng kagandahan
sadyang isip ay kandugan ng mga alapaap
mistulang alon sa napakalawak na dagat
tulad ng sadaling itong akoy naglalakad
ano kaya matisod akot biglang bumaliktad
sumigaw man ako, magpapalag, mag-iiyak
sa layo ko sa kabihasnan, kabingian laganap
bahagyang kaluskos nakakatindig balahibo
naibulaslas “dahong palay layuan mo ako”
patagong ngiti sibol sa nakaraang alaala
nagpapalakas loob, nagsisilbing katiwala
diko namalayang malayo na palang nabagtas
nandirito na pala ako pinaglalaruan ang hiyas
kay sarap umuwi pag mayroong naghihintay
lalo nat may mainit na pagkaing naka-alay
dalasdalasang magbigay puri, yakap at halik
nagbibigay kasayahan ningas ng pananabik
kinabukasan aalis akong may taglay na ngiti
sa muling pagbabalik isang kahong tsokolati
... akoy nagpapaumanhin kung kakaiba ang himig
ng aking nakatha kasi ang tagalog koy himig ng
pinagtalik na pangasinan at ilokano at hango sa
librong bararilla. dahong palay ay ahas. ami ayam
kompa, it ayam u te pecadon md (thank you, my love for
you people of the plainsmd- kasinibe)

Subscribe to:
Comments (Atom)